142

By

Bilibid ginalugad, mga kontrabando nasabat

Sharing is caring!

SINALAKAY ng magkasanib na puwersa ng PNP-Special Action Force at SWAT ng Bureau of Corrections ang Maximum at Medium Security Compounds ng National Bilibid Prisons sa Muntinlupa City kaninang umaga.

Nagising ang mga preso sa paggalugad ng mga selda at nakuha ang kanilang mga kontrabando.

Sinabi ni Corrections Sr. Insp. Eusevio del Rosario, ang tagapagsalita ng Bucor, pasado ala-6 nang isagawa nila ang Oplan Ukay-Ukay.

Aniya kabilang sa mga nakuha nila sa Buildings 5,9 at 13 ay mga kutsilyo, cellphones, induction cooker, audio speakers, lagari, gunting, martilyo, transformer at mga bala ng shotgun.

Pag-amin ni del Rosario patunay ito na may nakakalusot pa rin na mga kontrabando sa loob ng pambansang piitan.

Giit naman niya, konti naman na ang mga nakuhang kontrabando kumpara sa mga nakumpiska nila sa mga naunang galugad dahil noon aniya ay may mga droga pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?