38

Bilateral FTA ng US, PHL mamadaliin – DTI

Sharing is caring!

Simulan na sa katapusan ng buwang ito ang pag-uusap ng Pilipinas at Amerika tungkol sa bilateral free trade agreement.

Ayon kay DTI Undersecretary Ceferino S. Rodolfo, pupunta siya sa katapusan ng buwang ito para makipag-usap na sa US sa ilalim ng Trade and Investment Framework Agreement.

Itutulak umano ila ang market access para sa mga produkto ng agrikultura kasama ang seaweeds, garment and textile at mga relo.

Ang US naman ay inaasahang isulong ang kanilang interes sa mga public utilities at mga produktong agrikultura sa merkado ng Pilipinas.

Sa ngayon, 75 percent na mga produkto ng Pilipinas ay wala ng taripa kung papasok sa Amerika.

Ngunit inaasahan ng Pilipinas na kung magkaroon ng FTA mamumuhunan ang mga negosyanteng Amerikano sa mga public utilities sa bansa.

Nabuksan ang usaping FTA noong ASEAN Summit kung saan inihayag ang American President na Si Donald Trump ang pagaasang ayon sa bilateral FTA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?