11

Oct 7, 2020 @ 16:40
By

Bilanggo tinortyur ng ‘Baby Shark’: 2 jail guard, bisor swak sa kaso

Kinasuhan ang dalawang jail guard at supervisor nila matapos ilang oras patugtugan ang mga inmate ng children’s song na “Baby Shark”.

Ayon sa ulat sa BuzzFeed News, nangyari iyon noong Nobyembre at Disyembre ng nakaraang taon sa Oklahoma City.

Pinuwersa nina Christian Miles at Greg Butler Jr., kapwa 21-anyos, ang mga bilanggo na tumayo mag-isa sa bawat kuwarto nang nakaposas sa pader sa Oklahoma County Detention Center at paulit-ulit na pinapakinggan ang “Baby Shark” song.

Sabi ng mga imbestigador, dalawang oras pinatayo ang mga inmate at tinugtugan ng malakas na “Baby Shark” song, na nagdulot sa mga bilanggo ng emotional stress.

Biruan lang daw ng mga guwardiya ang pagpapatugtog ng “Baby Shark” habang dinidisiplina ang mga inmate.

Pero isa raw uri ng psychological torture ang paulit-ulit na pagpapatugtog ng ilang oras sa mga inmate.

Samantala, batid umano ng shift commander na si Christopher Hendershott, 50, ang kalokohan ng kanyang mga tauhan at marami na ring reklamo laban sa kanya ang mga bilanggo. Hindi rin niya pinaimbestigahan ang insidente.

Kaya kasama siyang nahaharap sa mga kasong cruelty to prisoners, corporal punishment to an inmate at conspiracy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?