106

Nov 19, 2020 @ 10:24
By

Bilanggo pinag-igib, nakatakas

Nakatakas ang isang preso sa Leyte matapos utusan umanong mag-igib ng tubig sa labas ng jail facility.

Kinilala ang bilanggo na si Jerry Dealagdon, may kasong murder, attempted murder, at frustrated murder.

Sabi ng pulis Calbayog, sa ulat ng GMA News, inutusang mag-igib sina Jerry at dalawang iba pa dahil walang tubig sa subprovincial jail sa nasabing probinsya.

Pero hindi na bumalik si Dealagdon, at kasalukuyang hinahanap ng awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?