12

Dec 5, 2020 @ 16:59
By

Bilanggo na solo parent payagang alagaan ang anak – Binay

Nanawagan si Senadora Nancy Binay sa Kongreso na magpasa ng isang panukalang batas na magpapahintulot sa mga nakakulong na solong magulang na maalagaan ang kanilang mga anak.

Partikular na isinusulong ni Binay ang pag-apruba sa kanyang Senate Bill No. 1344 na layong bumuo ng mga programa para sa mga nakakulong na magulang at tulungan ang mga ito na patuloy na magampanan ang kanilang obligasyon at mapanatili ang relasyon sa kanilang mga anak.

Kapag ang akusado naman ay may menor de edad na anak, awtomatikong aatasan ng korte ang isang social worker o isang kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang talakayin sa magulang ang iba’t ibang mga pagpipilian hinggil sa pangangalaga at kustodiya ng kanilang anak.

Maliban sa pagkakapasa sa kanyang panukalang batas, nanawagan din si Binay para marebyu ang umiiral na mga pamantayan para sa pangangalaga sa kalusugan ng mga buntis na inmate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?