29

May 27, 2020 @ 17:21
By

Bilanggo na infected ng coronavirus, 161 na

Umabot na sa 161 ang kaso ng COVID-19 sa mga inmate ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkoles, anim na inmate ang namatay sa disease habang walo ang nakarekober.

Dagdag ni department undersecretary at spokesman Markk Perete, 33 naman ang kumpirmadong kaso ng virus sa mga BuCor staff, tatlo sa mga ito ang nakarekober.

Karamihan ng kaso ay mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City sa 82 inmate at 26 personnel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?