19

By

Bilang ng walang trabaho, akyat sa 9.8M – SWS

Sharing is caring!

Dumami ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa third quarter ng 2018, ayon ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa kanilang survey na isinagawa noong Setyembre 15 hanggang 23, makikita ang pagtaas ng mga Pinoy na nagsasabing wala silang trabaho, na mula 19.7 percent noong second quarter ay umakyat na sa 22 percent.

9.8 milyong Pilipino na ang walang hanapbuhay, noong nakaraang quarter ay nasa 8.8 milyon lang.

Sa 22 percent, nasa 9.2% o 4.1 milyon ang tinanggal ng kanilang mga kompanya, samantalang 8.4% naman o 3.7 milyong katao ang kusang umalis sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Samantalang 4.4 percent o dalawang milyong katao ang mga first-time job seeker na hindi pa rin nakakahanap ng trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?