job-fair

Bilang ng underemployed, part-time workers tumaas sa Duterte admin

Sharing is caring!

Sa kabila na bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho, marami namang Pinoy ang underemployed o naghahanap ng iba pang trabaho.

Ayon sa research group na IBON Foundation, nadagdagan din ang part-time workers o iyong nagtatrabaho ng mababa sa 40 oras kada linggo.

Mula sa 16.3% underemployment rate noong nakaraang taon, umakyat ito sa 18% ng Enero 2018.

Ito na ang pinakamataas na labor force survey na nakuha sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nadagdagan din ang numero ng part-time workers ng 1.3 milyon (9.3%), mula sa 13.4 milyon ng nakaraang taon ay naging 14.7 milyon ito nitong Enero 2018.

Tumaas din ang bilang ng mga Filipino worker na nasa mababang posisyon at mababang pasahod na trabaho sa ilalim ng administrasyong Duterte, ayon pa sa IBON.

Kabilang din umano sa indikasyon na lumalala ang jobs situation sa bansa ang pagtaas din ng informal sector workers o iyong mga indibiduwal na self-employed na kumikita sa sarili nilang paraan, at unpaid family workers.

Mula umano noong Enero 2017 na 14.6 milyon ay tumuntong na ito sa 16 milyon nitong Enero 2018.

Ayon sa IBON, kailangan na ng gobyerno na mag-implementa ng reporma na tututukan ang interes ng mga Pinoy na manggagawa at hindi ang malaking kita ng mga negosyo sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?