380

Jan 4, 2018 @ 10:05

Bilang ng Pinoy, lolobo sa 107-M ngayong 2018

Inaasahang aakyat sa 107.19 milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2018, Commission on Population (POPCOM).

Sabi ng POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III said. , tinatayang 1.8 milyong bagong sanggol ang ipapanganak ngayong taong ito, kung saan, 4,695 sanggol ay ipapanganak kada araw o 206 kada oras.

Ang pagtatayang ito ay base sa Philippine Census of Population in 2015.

Sa kasalukuyan, nasa P105 milyon na ang bilang ng mga Pinoy.

Sinabi ng POPCOM na ang kapansin-pansin dito ang pagdami ng mga babaeng nasa reproductive age, kung saan umabot ito sa 27.71 milyon na may edad 15 hanggang 49.

Ang nasabing datos ay karagdadang 400,000 mula noong nagdaang taon.

Sabi pa ng komisyon, ang mga kababaihang nasa reproductive age ay binubuo ng 30.5 porsiyento ng populasyon ngayong taong ito.

At dahil dumarami ang mga nabubuntis kabilang ang mga edad na 10 hanggang 14 anyos, ang bilang ng mga babae at mga batang babae na nasa reproductive age ay aakyat sa 33.11 milyon sa pagtatapos ng taong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?