30

Apr 18, 2020 @ 19:37
By

Bilang ng OFW na positive sa COVID lumobo na sa 868 – DFA

31 panibagong kaso ang muling nadagdag sa kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na overseas Filipino workers (OFWs) ngayong araw.

Ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs, umabot na sa kabuuang 868 ang bilang ng kaso ng mga nagpositibong OFW.

Dumaan naman sa gamutan ang 498 kung saan nasa 255 naman ang naitalang gumaling.

Ang bilang naman ng OFW na namatay sa nasabing sakit ay nasa 115 na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?