126

Oct 28, 2017 @ 16:14

Bilang ng non-communicable diseases sa ASEAN, tumataas

Nababahala ang mga member states ng Associate of Southeast Asian Nation (ASEAN) sa pagtaas ng bilang ng mga maagang namamatay dahil sa noncommunicable diseases (NCDs).

Ang mga halimbawa ng NCDs ay sakit sa puso, stroke, cancer, diabetes at sakit sa baga.

Ang isyung ito ay tinalakay sa tatlong araw na ASEAN Conference on NCDs na may temang “Working Together towards an Enabling Environment for a Healthy Lifestyle in the ASEAN Region,” na ginanap sa Maynila.

Kasama rin sa mga dumalo sa pagpupulong ang mga delegado mula sa China, Japan at South Korea at mga kinatawan mula sa World Health Organization, UNICEF, Southeast Asia Tobacco Control Alliance at iba pang grupo.

Pinag-usapan sa kumperensya ang pagsusulong ng malusog na lifestyle alinsunod sa nilalaman ng ASEAN Post 2015-Health Development Agenda.

Kabilang na rito ang pagkontrol sa NCDs, pagpapababa sa tobaco consumption at sobra-sobrang pag-inom ng nakalalasing na inumin; pagtataguyod ng occupational health, mental health at mainam na nutrisyon o healthy diet.

Kaugnay nito, sinabi ni OIC-Health Secretary Herminigildo Valle na kinakailangang paigtingin ang mga hakbang laban sa NCDs sa ASEAN Region.

“Coordinated action is needed, and Governments must take the initiative and be at the driver’s seat to bring in civil society, academia, business, legislators and policy-makers, and other stakeholders to promote health” ang binigyang diin ni Valle. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?