17

Jun 23, 2022 @ 8:51
By

Bilang ng nasawi sa Afghanistan umakyat sa 1K

Umakyat na sa 1,000 katao ang bilang ng nasawi matapos yanigin ng 5.9-magnitude na lindol ang Afghanistan nitong Miyerkules.

Batay sa U.S. Geological Survey, naitala ang lindol sa layong 44 km. mula sa timog-silangan ng Khost City.

Sa paunang ulat, umabot sa 90 bahay ang gumuho at hinihinalang natabunan ang mga nasawi.

Nasa 1,500 indibidwal naman ang sugatan at mga dinala sa ospital.

Naghatid naman ng pakikiramay si Taliban supreme leader Haibatullah Akhundzada.

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?