56

By

Bilang ng napatay sa drug war dinodoktor ng PNP – De Lima

Sharing is caring!

Inakusahan ni Senadora Leila De Lima ang Philippine National Police (PNP) ng pagmanipula sa datos ukol sa mga napatay sa drug war.

Kapag nagbibigay ng ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte, pinatataasan umano ng PNP ang bilang ng napatay sa police operations pero pinabababa na ito kapag ibinibigay sa media o sa publiko.

Dahil dito, sinabi ni De Lima na maaring hindi na malaman ang tunay na bilang ng namatay sa drug war.

Tinukoy nito ang accomplishment report ng PNP para sa taong 2017 na isinumite sa tanggapan ng pangulo, kung saan nakasaad na 20,322 ang mga napatay sa police operations at ang mga tinaguriang “death under investigation.”

Isinama sa bilang ang mga napatay o pinatay diumano ng mga vigilante.

Kapag nagbibigay ng report sa media, mas mababa ang bilang na ibinibigay ng PNP upang hindi umano magmukhang uhaw sa dugo ang pulisya.

Ayon sa nakakulong na senadora, malaking tulong ang mga non-governmental organization na gumagawa ng sariling pagsasaliksik ukol dito.

Tinukoy ang magkasamang pagsasaliksik ng Ateneo de Manila at De La Salle University.

Sa natipon nilang news reports, mula Mayo 2016 hanggang Setyembre 2017, may 5,021 na napatay ng mga pulis at ng mga hindi nakialang salarin, sa gitna ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Sinabi sa kanilang pag-aaral na karamihan ng napatay o pinatay ay mahihirap, lalaki at diumano ay nanlaban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?