116

Dec 23, 2017 @ 15:30

Bilang ng namatay sa bagyong Vinta, umakyat na sa 44

Umakyat na sa 44 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta sa Mindanao dahil sa mudslides at baha.

Sa report ng AFP, 19 sa mga namatay ay mula sa Tubod sa Mindanao na nawalis ng bagyo ang buong nayon, ayon sa otoridad.

“The river rose and most of the homes were swept away. The village is no longer there,” ani Tubod police officer Gerry Parami sa AFP.

Gumagamit na umano ang mga pulis at sundalo ng pala para hukayin ang mga putik sa pag-asang makarekober pa ng mga katawan ng tao sa Dalama, isang farming village kung saan naninirahan ang nasa 2K katao malapit sa Tubod, Parami.

Isang malaking bato umano na itinulak ng bagyo ang tumabon sa 20 pang kabahayan sa bayan ng Piagapo na ikinamatay ng 10 pang katao, ayon kay civil defense officer Saripada Pacasum sa AFP.

Walo naman ang namatay sa baha sa Lanao del Sur province habang tatlo ang nasawi sa landslides sa Bukidnon at Zamboanga Sibugay, ayon pa kay Pacasum.

Apat naman sa nawawala ang nalibing sa landslides o tinangay ng ragasa ng tubig, dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?