37
Bilang ng mga rapist, murderer sa Metro Manila, bumaba - NCRPO
Jan 14, 2020 @ 15:03
By

Bilang ng mga rapist, murderer sa Metro Manila, bumaba – NCRPO

Bumaba ng 6.12 porsyanto ang crime rate sa Metro Manila nitong 2019 ayon sa ulat ni National Capital Region Police Office (NCRPO)chief Brig. General Debold Sinas.

Ayon kay Sinas, kumpara sa 51,322 bilang ng krimen noong 2018, bumaba ito sa 48,182 ngayong 2019.

“Kung makikita nyo yung crime na-reduce,” pahayag ni Sinas sa isinagawang press briefing.

Partikular na bumaba ay ang index crime sa Metro Manila na nagtala ng 7.55 porsyentong pagbaba matapos umabot lang sa 12,695 ang naitalang krimen ngayong 2019 kumpara sa 13,732 krimen nitong nakaraang taon.

Ang tinatawag na index crime ay ang mga krimen na kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, robbery, rape, theft at carjacking.

Ang murder ay bumaba ng 14.09 porsyento matapos na magtala ng 745 na kaso ng nakaraang taon ay bumaba ito sa 640 kaso ngayong taon, habang ang homicide ay malaki ang ibinaba na umabot sa 30.40 porsyanto, mula 273 noong 2018 ay umabot na lang ito sa 190 ngayong taon.

Bumaba din ang kaso ng physical injury ng 7.51 porsyento ganun din ang rape na nagtala lang ng 2.91 porsyentong pagbaba.

Samantala sa non-crime index ay bumaba din ng 5.59 porsyentong pagbaba sa bilang na 37,590 nitong nakaraang taon ay naging 35,487 na lang ngayong taon.

Ang non-crime index ay katulad ng mga violations ng mga local ordinance at mga vehiculat accidents.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?