82

Nov 5, 2017 @ 16:38

Bilang ng mga Pinoy na bilib kay Duterte, nabawasan

Bumaba ng 17 % ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang matutupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangakot nito para sa bansa.

Sa  survey  na  inilabas  ng  Social Weather Stations (SWS), mula sa  52% noong  Marso ay  bumulusok sa 35%  Third Quarter 2-17 survey  ang  puntos  ng Pangulo.

Ginawa ang survey noong September 23-27 at lumabas na 35% ng mga Pinoy ay positibong magagawa at matutupad ng  Presidenmte ang kanyang mga pangako para sa mga Pilipino.

Sinabi naman kahapon ni acting Presidential Spokesman Harry Roque na  walang  kakaiiba  o kataka-taka  sa  resulta  ng  survey  dahil pagkatapos ng eleksiyon ay nagiging realistiko na publiko at ganito naman talaga ang trend kahit sa mga nakalipas na administrasyon.

Ang  mahalaga  ayon kay Roque ay nananatiling  kuntento ang  mga  Pilipino sa  pagpapatakbo ng  Pangulo sa  gobyerno, patunay ang  “very good” na over-all performance  at +58 na  rating nito.

“We find nothing unusual in the drop of those who expect that he would fulfill his promises as the euphoria of the elections normally wears off after a year in office and people become more realistic on what the government can deliver. This has been the trend in previous administrations,” pahayag ni Roque.

“What matters is Filipinos remain satisfied when they gave the current administration a “very good” over-all performance rating at +58, as reflected in the same survey,” dagdag pa nito.

Ano man ang lalabas na numero sa mga surveys, sinabi ng kalihim na hindi magpapaapekto ang Pangulo at ang kanyang gabinete. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?