84

Oct 31, 2017 @ 17:54

Bilang ng mga pasahero sa NAIA, tumaas ngayong Undas

Halos 481,000 na pasahero ang naitala sa apat na terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa simula ng ‘Undas Week’ ngayong taon.

Base sa datos mula sa NAIA-Media Affairs Office, nagsimula ang pagbilang noong nakaraang Biyernes, Oktubre 27 at ang naturang bilang ay hanggang noong nakaraang Lunes lang.

Pinaniniwalaan na hihigit pa sa kalahating milyon ang bilang ng mga pasahero kapag naisama na ang simula kamakalawa hanggang bukas.

Una nang sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na bagama’t marami ang pasahero sa domestic flights, lubhang mas dumami ang bilang ng mga bumiyahe sa international flights. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?