250
tigdas
By

Bilang ng mga nasawi dahil sa tigdas patuloy na dumarami

Umabot na sa 70 ang nasawi dahil sa tigdas ayon sa huling datos ng Department of Health (DOH) na inilabas nitong Lunes, Pebrero 11.

Karamihan sa mga biktima ay mula sa Calabarzon.

Saad ni Health Secretary Francisco Duque III, naitala ng Epidemiology Bureau na mayroong 4,302 cases ng tigdas mula January 1 hanggang February 9 ngayong taon.

Umangat ng 122% mula sa parehong petso noong nakaraang taon kung saan ay may naitalang 1,935 cases at 18 katao ang nasawi dahil sa tigdas.

Ayon kay Duque, isa sa mga pangunahing rason sa likod ng measles outbreak ay ang alinlangan ng mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Dahil sa takot na dulot ng Dengvaxia ay maraming magulang ang tumangging pabakunahan ang anak sa pangambang makasama ito sa kanila.

Umapela si Duque sa publiko na mag-avail na ng libreng bakuna sa mga public health center.

Iginiit nitong ang mga bakuna ay ‘long proven to be effective’.

Ayon sa tala ng Epidemiology Bureau sa 70 katao na namatay dahil sa tigdas, 79% ang hindi nabakunahan.

Karamihan sa mga nasawi ay mula one month old hanggang 31 years old.

Narito ang breakdown ng mga kaso ng tigdas at pagkamatay kaga rehiyon base sa huling tala ng DOH:

Metro Manila – 1,296 cases, 18 deaths

Calabarzon – 1,086 cases, 25 deaths

Central Luzon – 481 cases, 3 deaths

Western Visayas – 212 cases, 4 deaths

Northern Mindanao – 189 cases, 2 deaths

Eastern Visayas – 166 cases, 7 deaths

Mimaropa – 131 cases, 1 death

Central Visayas – 109 cases, 2 deaths

Bicol – 44 cases, 1 death

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?