16
views

By

Bilang ng mga estudyante sa kada klase, pinalilimitahan

Sharing is caring!

Inaaral ngayon ng Technical Working Group ng House committee on basic education and culture ang panukalang batas na naglalayong i-regulate ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Layon din ng House Bill 473 o ang Public School Class Size Law of 2016 na mabigyan ng dagdag na kompensasyon ang mga gurong humahawak ng malalaking klase.

Sa ilalim ng panukala, target na gawing 35:1 ang ratio ng bawat klase at ang bilang na lalagpas dito ay ikukunsidera nang “large class”.

Ipinaliwanag ng may-akda ng panuakala na si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio na naaapektuhan ang karapatan sa de-kalidad na edukasyon ng mga mag-aaral dahil sa oversized na laki ng bawat klase sa public schools.


Binanggit ni Tinio ang ulat ng UNESCO Institute for Statistics na ang Pilipinas ang may “most crowded classrooms” na nasa average na 43.9 sa elementary at 56.1 sa high school.


“The country’s public elementary schools’ average class size of 43.9 is far bigger than Malaysia’s 31.7, Thailand’s 22.9, Japan’s 23.6, and India’s 40,” ani Tinio.

Sabi ng kongresista, hindi na pangkaraniwan na humahawak ang mga guro ng klase na binubuo ng 60 hanggang 80 estudyante. Kaya para maremedyuhan ang ganitong sitwasyon, lilimitahan na ang bilang ng mga estudyante sa bawat klase at babayaran ang mga guro base sa actual workload.

Limang milyong piso ang panukalang paunang pondo para sa implementasyon kapag naging batas ang panukala na isasama kada taon sa pondo ng Department of Education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?