319
Bilang ng krimen sa Metro Manila bumababa – NCRPO chief
Feb 23, 2019 @ 18:17
By

Bilang ng krimen sa Metro Manila bumababa – NCRPO chief

Ipinagmalaki ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Guillermo Eleazar na patuloy sa pagbaba ang crime rate sa Metro Manila.

Sa panayam sa kanya sa dzbb, bumaba ng 54 porsiyento ang bilang ng krimen sa unang 30 buwan ng administrasyong Duterte kumpara umano sa panahon ng Aquino administration.

Ito’y taliwas sa resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations na nagpapakita na 7.6 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing nabiktima sila ng common crimes sa nakalipas na anim na buwan.

Ang common crimes ay gaya ng pandurukot o pagnanakaw, panloloob, pagnanakaw ng sasakyan at karahasan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?