10

Feb 8, 2021 @ 18:42

Bilang ng injured sa Davao del Sur quake umakyat na sa 15 – NDRRMC

Umakyat na sa 15 katao ang bilang ng nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahil sa magnitude 6.1 na pagyanig sa Davao del Sur kahapon.

Anang National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagmula ang mga ito sa probinsya ng Cotabato.

Matatandaang nagdulot ng matinding pag-panic ng publiko sa mga establisyamento ng iba’t ibang probinsya ang naturang lindol.

Ilan sa mga lubos na napuruhang probinsya ang Davao City, Kidapawan City, Sultan Kudarat at Koronadal City.

Naitala rin kaninang umaga ang magnitude 5.7 na pagyanig sa Davao Oriental.

Basahin: Mga mamimili sa mall sa Mindanao nag-unahang makalabas dahil sa lindol, ibang lugar apektado rin

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?