18

Sep 9, 2021 @ 16:10
By

Bilang ng COVID cases noong Miyerkoles kulang

Hindi pa pala pinal ang mga naitalang bagong COVID cases noong Miyerkoles, Setyembre 8, dahil sa technical issues ng Department of Health (DOH).

Ayon sa anunsyo ng ahensya ngayong Huwebes, nadagdagan ng 5,132 ang mga kasong naitala kahapon, kaya mula sa 12,751 na mga kaso ay 17,883 ang mga bagong kaso ng virus sa bansa.

Samantala, nadagdagan din ng 41 ang bilang ng mga gumaling kaya’t ngayo’y 20,192 na ang mga nakarekober.

Kaya naman, 2,139,137 ang kabuuang bilang ng mga kaso sa bansa, habang 1,948,239 naman ang lahat ng gumaling.

Ang mga aktibong kaso naman ay 156,267.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?