75

By

Bilang na ang araw ng mga leftist – Duterte

Sharing is caring!

Pag-aaralan ng Malacañang ang posibilidad na maglunsad ng crackdown laban sa mga militanteng grupo na kasabwat ng nagaganap na rebelyon sa bansa.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong malaking “conspiracy” sa mga rebelde at ilang grupo tulad ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN na pinamunuan ni Renato Reyes at ginagamit sa propaganda ang mga ito para dalhin sa kalsada ang kanilang paninira laban sa gobyerno.

Kinikilala aniya noon ang New Peoples Army bilang lehitimong rebelde subalit dahil sa patuloy na pag-atake at pagpatay ng mga inosenteng mamamayan tulad ng apat na buwang sanggol ay hindi na niya ito palalampasin.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Duterte na aalisin niya ang mga ito sa kategorya ng isang legal entity at mag-iisyu ng proklamasyon para ilagay sa kategoryang mga terorista.

“It’s a great conspiracy between itong BAYAN. They are in conspiracy with the rebellion going on. We will study and maybe we will have a crackdown there somewhere. Nagsasawa na ako sa kalokohan nila.

I will be issuing a proclamatin. I will remove them from the category of a legal entity or at least a semi-movement which would merit our attention, placing them as terrorist,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na ituturing ng kriminal ang mga ito at masasampahan ng mga mabibigat na kaso tulad ng murder, arson at terrorism.

“So beginning from now, wala ng rebellion-rebellion because rebellion is just light offense, it can be bailable except for the leaders. We will file terrorist, murder lahat.Arson with murder, lahat na because I would consider them criminals already,” ang dagdag pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?