11
Abante-TnT--Bangkay-ng-babae,-natagpuan-sa-damuhan
By

Biktima ng salvage nakabalandra sa Taguig

Sharing is caring!

Isang hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa Taguig City, Sabado, Setyembre 15 ng madaling-araw.

Ayon sa Taguig City Police, kinilala lamang ang biktima na nasa pagitan ang edad na 25-30, may taas na 5’4”, nakasuot ng itim na shorts at asul na T-shirt.

Natagpuan ang bangkay bandang alas-1:50 Sabado ng madaling-araw na duguan sa Gumamela St., Upperwest Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, may malaking sugat sa leeg ang biktima na pinaniniwalaang ginilitan ito na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Kasalukuyang nangangalap pa ng karagdagang impormasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima habang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang nasa likod ng pamamaslang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?