118
doh-victims
By

Biktima ng paputok sa pagsalubong ng 2018, 400 na – DOH

Umaabot sa kabuuang 463 kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) na bilang ng mga nadale ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa buong panahon ng kanilang pagbabantay sa ilalim ng “Oplan Iwas-paputok.”

Ang nasabing bilang ay naitala mula December 21, 2017 hanggang January 5, 2018.

Ayon sa DOH, ang nasabing bilang ay mas mababa ng 27-percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Para sa pagsalubong sa 2018, wala umanong napaulat na namatay dahil sa paputok, wala ring naitalang fireworks ingestion at stray bullet o ligaw na bala.

Mula sa 463, pinakamarami sa mga biktima ay mula sa Metro Manila na nakapagtala ng 248 kaso; Ilocos Region ay may 46 kaso; CALABARZON at Western Visayas ay may tig-45 kaso; Central Luzon ay 28; Central Visayas at Bicol ay may tig-15 kaso.

Ang edad ng mga naputukan ay mula 11-buwang gulang hanggang 69-taong gulang.

Pitumpu’t siyam sa mga nasugatan ay mga lalaki, habang 55-percent ay mga active user o mga direktang nagpaputok.

Apat na pu’t siyam na porsyento naman sa mga biktima ay nagtamo ng pinsala sa kamay; 17-percent ay nadale sa mata; 14-percent ay tinamaan sa braso; 13-percent ay tinamaan sa ulo habang 9-percent naman ay sa hita.

Walumpu’t isang porsyento naman ay nasugatan pero hindi na kinailangang putulan ng bahagi ng katawan, habang 4-percent naman ay kinailangang isailalim sa “amputation.”

Ang Piccolo pa rin ang nangungunang sanhi ng pagkasugat na may 33-percent; kwitis ay 12-percent; luces ay 6-percent at fountain 5-percent.

“After all the number of fireworks-related injuries have been tallied, the DOH is not letting its guard down and is on the lookout for tetanus cases. We are reminding all those who have incurred some form of injury due to fireworks to please consult your nearest health facility for proper wound care and management,” ang pahayag ni DOH Secretary Francisco Duque III.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?