By

Biktima ng pang-aabuso sa martial law sa Mindanao, pinalulutang ng AFP

Sharing is caring!

Hinihikayat ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng indibiduwal o grupo na naabuso ng militar dahil sa umiiral na martial law sa Mindanao na magreklamo sa kanila.

Ito’y sa harap na rin ng mga ulat na marami umanong sundalo sa Mindanao ang lumalabag sa karapatang pantao dahil sinasamantala ang umiiral na martial law.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, tumungo aniya sa pinakamalapit na himpilan o headquarters ng militar ang mga may reklamo at tiniyak niyang agad itong aaksiyunan.

Ngunit magsasagawa rin aniya sila ng validation kung talagang ang nagrereklamo ay totoong biktima ng pang-aabuso.

Dahil mahigpit aniya ang bilin sa lahat ng sundalo na huwag lalabag sa karapatang pantao.

“Well unang-una kung sinasabi natin na merong pag-abuso, etc., iisa ang kahilingan natin lagi diyan, mag-provide tayo ng dokumento, i-document natin ‘yan dahil mismong pamunuan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas under General Carlito Galvez Jr., ang may mahigpit na tagubilin na wala dapat na magaganap na pag-abuso na lahat ng gagawin sa pagpapatupad ng martial law, ay naaayon sa karapatang pantao,” sabi ni Arevalo.

Ang martial law ay nanatiling umiiral sa Mindanao matapos na salakayin noon ng Maute ISIS terrorist group ang Marawi City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?