19

By

Biktima kami ng selective justice – Jinggoy

Sharing is caring!

Ito ang naging tugon ni dating senador Jinggoy Estrada nang matanong kung posible silang makabalik sa Senado ni Ramon “Bong” Revilla Jr., sa 2019 polls.

Matatandaang kapwa akusado sina Estrada at Revilla sa kasong plunder at multiple counts ng graft sa Ombudsman kaugnay ng pork barrel scam noong 2014.

Kahapon, Dec. 7, nang ipawalang-sala ng Special First Division ng Sandiganbayan si Revilla sa plunder case habang naghihintay pa si Estrada ng desisyon ng anti-graft court para naman sa kinakaharap din niyang kasong plunder.

Umaasa naman si Estrada na makakakuha pa rin sila ng boto sa 2019 elections dahil alam naman umano ng taumbayan na napagkaisahan lang sila ng nagdaang administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?