353

May 8, 2019 @ 12:26
By

‘Bikoy’ humingi ng tulong kay Sotto noong 2016

Binuko ni Senador Tito Sotto III na dati nang humingi ng tulong sa kanya si Peter Joenel Advincula, na nagpakilalang ‘Bikoy’, noong 2016 matapos nitong isangkot sa drug syndicate ang noo’y Presidente Noynoy Aquino, Mar Roxas at Senadora Leila de Lima.

Sa Kapihan sa Manila Bay, nagpakita ng audio-visual presentation si Sotto base sa nilagdaang affidavit ni Advincula noong 2016 kung saan nilantad nito ang mga umanong kasama sa drug ring na ‘Quadrangle Syndicate’.

“Doon sa sinumpaang salaysay niya (Advincula) nung 2016, meron siyang tinatawag na mga patron. Ito yung mga bigshot. Ito yung nasa ibabaw ng drug syndicate according to his description in his affidavit,” ayon kay Sotto.

“Dun sa mga patron na sinasabi, sa listahan, may mga code-code pa siya, former President Benigno Aquino, former DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary Mar Roxas, former DOJ (Department of Justice) Secretary Leila de Lima,” aniya pa.

Noong 2016 din, nakipag-usap umano si Advincula kay Hutch Altavaz, staff member ni Sotto, para magpatulong noon ukol sa sulat na ipinadala nito sa mambabatas.

“Ang sabi niya (Altavaz), yan (Advincula) ‘yung pinapuntahan mo sa akin sa Muntinlupa some years ago…’ Pinagusapan namin ‘Natatandaan mo ba yung pinadala niya sating mga sulat na humihingi ng tulong. ‘Yes, Sir I have everything,’ sabi niya (Altavaz). Buti naitabi niya,” kwento ni Sotto.

“ [May] affidavit na ginawa ni Peter Joemel Advincula… dito sa sinumpaang salaysay niya… makikita ninyo yung pagkahawig doon sa Bikoy series at saka doon sa statement niya dun sa IBP,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?