445

Nov 15, 2021 @ 21:11
By

‘Bikoy’ dinikdik sa kasong murder

Nahaharap sa three counts of murder si Peter Joemel Advincula, o mas kilala bilang ‘Bikoy’ kaugnay ng pagpatay sa tatlo katao sa Albay noong nakaraang linggo.

Si Bikoy ang itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay sa konsehal na si Helen Advincula Garay, 53-anyos, at mga negosyanteng sina Karren Averilla, 44-anyos, at Xavier Mirasol, 61-anyos.

Nadiin si Bikoy o Advincula dahil pagmamay-ari niya ang ukay-ukay kung saan natagpuan ang bangkay ng tatlo.

Bukod dito, ang isang nakatakas, na si Laline Amor, ay siyang testigo na may kinalaman nga si Advincula sa krimen.

Ang tinitingnan namang anggulo sa krimen ay negosyo o alitan sa pagitan ni Advincula at ng mga biktima.

“Itong si Bikoy, nagkaroon ng hangarin na manghiram ng pera sa biktima, at hindi napagbigyan ang hiling niya,” saad ng hepe ng Daraga Police.

Si Bikoy ay unang nakilala noong 2019 dahil sa kanyang pag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?