228

By

‘Bikoy’ binalaan ni Albayalde sa cyber libel

Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde si alyas “Bikoy” na imbes gumamit ng social media sa kanyang mga exposé laban sa mga kapamilya at kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat umanong lumantad ito at magpresinta ng mga ebidensiya sa mga awtoridad.

Ani Albayalde, mananagot ng cyberlibel si “Bikoy” kung hindi nito masusuportahan ng ebidensiya ang mga akusasyon nito.

Handa umano ang pambansang pulisya na maghain ng kasong kriminal laban sa mga taong binanggit nito sa serye ng “Ang Totoong Narco List” videos pero kung hindi naman magbibigay ng ebidensiya si “Bikoy” ay mananagot ito sa lahat ng mga sinasabi niya.

Samantala, naniniwala naman ang hepe na ginagamit si “Bikoy” para sa political agenda dahil sa nalalapit na midterm elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?