2,304

By

Bikini photo ni Jessy Mendiola, dahilan ng pagbibitiw ni Jimenez

Sharing is caring!

Iniwanan ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ang kanyang posisyon bilang focal person ng local source code review para sa 2019 midterm elections.

Ito ay makaraan biglang umeksena ang picture ng aktres na si Jessy Mendiola na naka-swimsuit sa ginawang presentasyon sa local source code review na nangyari dalawang araw na ang nakakaraan.

Sinabi ni Jimenez na sa kanya mismo ang computer na ginamit sa presentasyon.

“There was a small technical issue involving flashing of a photo which was inappropriate for the event,” saad sa press briefing ni Jimenez.

“I take responsibility and I apologize. I regret it. Because of that I resigned as a focal person for the local source code review,” dagdag pa niya.

“If I don’t acknowledge it, it will affect the integrity of the process. Ultimately, this is for the transparency and overall credibility of the institution I serve,” pakli ng spokesperson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?