616

By

Bikini body ni Ina Feleo, hindi puwedeng isantabi

Ayaw talagang paawat sa pagbalandra ng kanyang alindog ang Kapuso star na si Ina Feleo.

Naghahasik ng hubad niyang katawan ang anak ng premyadong direktor na si Laurice Guillen.

Hindi basta-basta ang mga sexy photo ni Ina sa social media, dahil talagang palaban ang dating niya.

Ramdam na hindi puwedeng isantabi lang ang alindog nito kahit nagkalat pa ang mga maangas ding bikini shot ng maraming beauty queen.

May sariling pangil sa kaseksihan ang appeal ni Ina.

Parang anumang oras, kaya nitong manakmal sa pilit na hahamon sa ganda ng kanyang pigura.

Kung labanan ng katawan, handa sa karera si Ina. Alam niyang mananalo siya sa anumang anggulo. Tiyak na luluhod ang sinumang feeling sexy lang naman kung tutuusin.

Nakaka-wow! Ang lakas ng loob ng dalaga dahil nakilala siya sa showbiz na mahiyain at mahinhin. Dagdag pang conservative ang imahen ng kanyang mga magulang sa likod ng kamera.

Sa mga gaya ni Ina na hindi masasabing malaki ang pangalan sa showbiz, ang makahakot ng maraming likes sa socmed, ay maituturing na big star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?