190

Dec 21, 2017 @ 18:50
By

Biker tinaniman ng tingga sa ulo, todas

Todas ang isang rider matapos na malapitang barilin sa ulo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki habang nagbibisikleta sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Alvin Naval, alyas Chinggoy, 42-anyos, ng Kahunan II Street, Barangay San Jose ng nasabing lungsod, na hindi na umabot pa nang buhay sa Navotas City Hospital matapos na magtamo ng isang bala mula sa hindi pa alam na kalibre ng baril.

Sa ulat nina PO3 Allan Bangayan at PO1 Reyie Penaranda, alas-10:15 ng gabi nangyari ang krimen sa kahabaan ng Gov. Pascual Street, Barangay Tangos.

Nagba-bike ang biktima at pagsapit sa kanto ng S. Roldan Street ay biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek na naglalakad lamang saka pinaputukan sa ulo ang una.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima.

Narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang isang basyo ng bala at kasalukuyan nang isinasailalim sa ballistic examination.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?