109
crime-scene-dead
By

Biker sinalpok ng cement mixer, dedo

Patay ang isang biker matapos na salpukin ng isang humaharurot na cement mixer truck habang sakay ito ng kanyang mountain bike sa lungsod ng Caloocan kaninang madaling-araw.

Sa ulat ni PO1 Dino Supolmo, ng Caloocan City Police-Traffic Unit, ganap umanong alas-4:45 ng madaling-araw nangyari ang insidente sa kanto ng C3 Road at B. Serrano Street ng nasabing lungsod.

Nasa kanto ang biktimang inaalam pa ang pagkakakilanlan na isinalarawang nasa 50 hanggang 55 ang edad, nakasuot ng puting T-shirt at itim na short pants sakay ng kanyang mountain bike, nang dumating ang humaharurot na cement mixer truck na may plakang ACK 2836 at minamaneho ni Melchor Tinio, 42, ng Licab, Nueva Ecija.

Sinalpok nito ang biktima, na sa lakas ng impact ay humiwalay at tumilapon ng ilang metro mula sa kanyang bisikleta.

Naisugod pa ang biktima sa Caloocan City Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Sumuko naman ang driver na nakaaksidente sa biktima.

Nakatakda siyang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?