11

By

Biker ginulungan ng truck sa GenSan

Sharing is caring!

Nabundol ng isang truck na may kargang backhoe ang isang biker makaraang umiwas ito sa rumaragasang kotse sa Barangay Apopong, General Santos City.

Nakilala ang nasawi na si Oscar Baranggan, 55-anyos, construction worker at residente ng Barangay Apopong habang kulong naman ang driver ng truck na si John Rey Onoc, nasa hustong gulang, taga-GenSan.

Ayon sa report, binabagtas ng driver ng truck ang kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Apopong nang iwasan niya ang isang mabilis na takbo na kotse na lumagpas sa kabilang lane at sa kanyang pag-iwas ay hindi niya nakita ang isang lalaking nagbibisikleta na kanya na palang nabundol na halos magkalasug-lasog ang katawan.

Sinabi ni Onoc na hindi niya napansin ang biktima na nagbibisikleta kaya sa pag-iwas nito ay nahulog ang kanyang truck sa kanal at nahulog din ang kargang backhoe.

Agad na nagresponde ang GenSan Police at inaresto si Onoc na sumuko naman matapos na amining hindi nito sinasadya ang aksidente.

Ayon naman sa traffic management unit ng pulisya, posibleng nasa blind spot si Baranggan kaya hindi siya nakita ni Onoc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?