231

Jun 13, 2021 @ 16:31
By

Bigyan ng pwesto ‘yan! Willie Revillame manok ni Duterte sa senado

Bagamat wala pa siyang pinal na plano sa susunod na halalan ay may isa ng napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang tumakbo sa 2022.

Ang pambato na inilahad ng pangulo ay para sa posisyong senador, at ito’y walang iba kundi ang TV host na si Willie Revillame.

Sa isang video message kinausap ni Duterte ang sikat na TV host.

“Willie, si mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” pahayag ng pangulo.

Ani Duterte, may pag aalinlangan pa si Revillame sa pagtakbo bilang senador ngunit bukas naman daw ang pwesto para sa kanya sakaling maisip niyang tumakbo.

“Kung ayaw mo na talaga eh di puwede na tayong mag-usap ulit,” dagdag pa ng pangulo.

Bilib umano si Duterte sa abilidad ni Revillame na kumonekta sa masa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?