2,471

By

Bigyan ng P4K ‘yan! Willie nagpauwi ng audience sa kasagsagan ng show

Napukaw ang puso ng TV host na si Willie Revillame sa isang studio audience dahilan upang pauwiin na ito kahit hindi pa tapos ang show niyang ‘Wowowin’.

Ngunit bakit nga ba biglaang pinalarga na ni Willie ang isang babaeng studio audience?

Sa naging episode ng TV show noong nakaraang linggo, naitanong ng host kung nasaan ang anak ng isang manonood nang malaman nitong bagong panganak lang ito.

Saad ng nanay, iniwan nito ang kanyang anak para pumunta sa Wowowin.

Nagulantang si Revillame sa tinuran ng audience kaya bigla itong gumawa ng paraan para makauwi na ito agad.

“Paano kumakain anak mo? Anak mo intindihin mo. Ano ka ba? Sino dumedede?” tanong ni Willie.

Binigyan na lang ng TV host ng P3,000, jacket, cellphone at supplement ang ina para makauwi na sa kanyang anak.

“Umuwi ka na, tanggalin mo na yung Wowowin [T-shirt]. Bayad daw to, di bale okay na yan, pabayaan niyo na siyang umuwi,” saad ni Revillame.

“Eh yung anak nito hindi pa dumedede mag-isip kayo, hindi ba kayo nanay? Umuwi ka na” dagdag pa niya.

Bago umalis, tinanong pa ni Willie kung alam ng studio audience kung alam nito kung paano umuwi, muling nagbigay ng perang nagkakahalaga na P1,000 si Revillame para mag-taxi na lang o mag-Grab.

“O, isang libo, mag-Grab ka, 4,000 na yan…” ayon kay Willie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?