112

Oct 20, 2017 @ 15:15

Bigtime illegal recruiter arestado

Isang babaeng illegal recruiter ang inaresto ng pulisya matapos ireklamo ng kanyang isang biktima na nakuhaan niya ng halagang isang daang libong piso sa Paranaque City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Carolina Sareno, may asawa, may siyam na anak at walang trabaho.

Miyembro si Sereno ng Amor Baruelo illegal recruitment syndicate na libo-libo ang nabibiktima.

Ayon kay PNP Anti Transnational Crime Unit Chief Supt Roque Merdeguia alas-4:45 ng hapon kahapon ng ikasa ng mga tauhan ng CIDG Anti Transnational Crime Unit ang isang entrapment operation sa tapat ng isang fast food chain sa Baclaran, Paranaque City.

Nakakuha ang suspek ng P100,000 sa kanyang biktima at humihingi pa ng P70,000 pero natukoy na ng biktima na siya ay niloloko kaya nagsumbong na ito sa mga pulis.

Ang grupo ni Amor Baruelo ay maraming recruitment agency na naipasara na ng CIDG-ATCU dahil sa kawalan ng lisenya pero marami pa ring mga galamay tulad Sereno na patuloy pa ring naghahanap ng mabibiktima

Nangako umano ang grupo ni Baruelo ng trabaho sa Japan bilang isang factory worker at may sahod na P70,000 kada buwan.

Sa ngayon hahaharap sa kasong illegal recruitment at sstafa ang naarestong illegal recruiter.

Payo naman ni Merdeguia sa mga gustong magtrabaho sa ibang, pumunta sa POEA at alamin ang mga lehitimong recruitment agency upang hindi mabiktima ng mga illegal recruiter.(Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?