206

Jul 1, 2019 @ 11:15
By

Bigo kay Durant, Irving: NY Knicks nakuntento kay Randle

Hindi umayon ang tadhana sa New York Knicks, nagpakawala ng mga player para sana makakuha ng mga big name free agent.

Target sina Kevin Durant at Kyrie Irving, mas piniling pumunta sa Brooklyn Nets na isang tren lang ang pagitan sa arena ng NY Knicks.

Plan B ang Knicks, kinuha si Julius Randle para sa three-year, $63M, three-million deal.

Nag-average ng career-high 21.4 points at 8.7 rebounds sa Pelicans noong nakaraang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?