99

Mar 6, 2020 @ 18:24
By

Biglang sumikat! Maling ‘Erwan’ na-tag ni Vice Ganda

Siguradong nagulantang si ‘Erwan’ matapos dumagsa ang mga Pinoy follower dahil sa maling tweet ni Vice Ganda.

Sa March 2 tweet ni Vice, kanyang binati ang kanyang It’s Showtime co-host Anne Curtis at asawa nitong si Erwan Huessaff sa bagong silang na baby na si Dahlia Amelie.

Ngunit ibang Erwan pala ang na-tag ni Vice na napansin ng mga netizen.

Kaya naman sumagot ang maling tao na na-tag ni Vice, na ang buong pangalan ay Erwan Loisant at hindi taga-Pilipinas.

Aniya, bigla siyang nagkaroon ng 50 follower mula sa Pilipinas, at nagpaliwanag na baka akala ng mga ito ay siya ang tunay na Erwan Huessaff dahil sa tweet ni Vice.

Tila komedyante din si Loisant, na sinabing huli pa siyang nagka-baby ay limang taon na ang nakalilipas.

“Message to the 50 followers from Philippines that I got today: you’re free to stay, but the person you want to follow might be @erwanheussaf. Also thanks for your kind words, but the last time I had a baby was 5 years ago,” biro nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?