162

Dec 2, 2020 @ 11:03
By

Biglang nag-propose sa ibang bebot! Panloloko ni Akhuetie nilantad ng ex

Siniwalat ni ex-UP Lady Maroon Kathy Bersola ang umano’y panloloko sa kanya ni UP center Bright Akhuetie, dating dyowa nito.

Sa Twitter post ni Bersola, nilahad nito na maayos pa ang kanilang samahan hanggang Agosto nang bigla na lang nakipag-break si Akhuetie.

“We ended that we’ll think more about it (especially me because, hello, sobrang out of nowhere and I didn’t know how to react talaga, like he came over na decided na siyang ganun??)” saad ng volleybelle.

Nakipagkita pa siya kay Bright sa mga sumunod na linggo, at nang tinanong niya ang basketbolista kung may iba na ito ay dineny naman nito.

Bandang December ay dito na tumambad ang umano’y panloloko ni Akhuetie matapos niyang makita sa laptop nito ang ilang messages sa madaming babae.

Kwento ni Bersola, sa simula pa lamang umano ng kanilang relasyon ay nag-cheat na ito sa kanya dahil hindi pa pala umano nakikipaghiwalay si Bright sa dati niyang dyowa.

“He’s been talking to and seeing SOOO MANY girls. Like legit always asking them to come over or if he could see them,” pakli ng balibolista.

Tinago ni Bersola ang kanyang nalalaman tungkol kay Bright hanggang November 11 nang palipad na ang Nigerian para makauwi.

Gusto sana ni Kathy makausap ito ng harapan ngunit nagmamadali daw si Bright dahil sa bagyo, kaya nag-message na lang ito sa basketball player at nireplyan lamang daw siya nito ng “Oh wow. K.”

Tumigil na rin daw mag-reply ang UP center sa kanya hanggang sa makita na lang nito na nag-propose na pala si Akhuetie sa ibang babae, na naka-post pa sa IG ng manlalaro.

Walang pang pahayag si Akhuetie kontra sa mga alegasyon ni Bersola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?