2,395
risa-hontiveros
May 23, 2019 @ 12:06
By

Biglang iba ng tono! Hontiveros kinuwestiyon ang pagpanig ng administrasyon kay Bikoy

Binuweltahan ni Senadora Risa Hontiveros ang administrasyon dahil tila bumalik umano ang kredibilidad ni Peter Joemel Advincula matapos ituro siya, Senadora Leila de Lima, Senador Antonio Trillanes, at Liberal Party bilang umano’y utak kay alyas Bikoy.

Dati daw ay binantaan pa ng pag-aresto si Bikoy nung hindi pa ito nakikilala dahil sa ‘Ang Totoong Narcolist’ video nito na patama sa malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I find it odd that when ‘Bikoy’ came out with his videos accusing President Rodrigo Duterte, his family and close political friends of links to illegal drugs, this administration was quick to shoot down his credibility, even going so far as to threaten him with arrest,” ayon sa statement ni Hontiveros.

“And now, when he sings a different song and accuses the opposition of outlandish things, all of a sudden his credibility is restored? How absurd.”

Sabi pa, ang pambibintang umano sa oposisyon ay paraan lang ng administrasyon para ma-distract ang publiko, at inilarang ‘wild imagination’ lang ng Palasyo ang bagong alegasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?