14

Jan 7, 2021 @ 13:16
By

Biglang dami! Brondial nagpatama sa mga feeling doktor, forensic expert

Mukhang may pinaparinggan si Alaska Aces center Rodney Brondial sa kanyang bagong Instagram post.

Sa caption ni Brondial, sinabi nito na dumarami ang mga doktor, politiko, forensic expert at scientist.

“Biglang dami ng Doctor,Pulitiko,forensic experts at scientist… No choice ako kaya pinili ko maging pogi na lang,” hirit ng Aces player.

Hindi man sinabi ni Brondial kung tungkol saan ito, naging mainit ang isyu tungkol sa pagkamatay ni Christine Dacera kung saan giniit ng Philippine National Police na posibleng rape-slay case ang kaso.

Ngunit depensa ng mga netizen, malabong nagalaw si Dacera dahil walang nakitang semilya sa autopsy report ng katawan ng flight stewardess, at posible rin umanong hindi ito pinatay dahil ruptured aortic aneurysm ang cause of death ng dalaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?