19

Nov 24, 2021 @ 15:24
By

Bigayan ng fuel subsidy sa mga tsuper larga na

Simula na ang pamamahagi ng may P1 bilyong fuel subsidy sa nasa 136,000 jeepney driver sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo.

Kasunod ito ng paglulunsad sa Pantawid Pasada Fuel Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Miyerkoles bilang ayuda sa transport sector.

Ani LTFRB chairman Martin Delgra, 136,000 jeepney driver ang inaasahang tatanggap ng P7,200 kada sasakyan bilang one-time subsidy.

Ipapasok ang subsidy sa kani-kanilang PPP card. (IS)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?