chess
By

Bigating Pinoy GMs, rambulan sa Chief PNP Cup

Sharing is caring!

Dalawang tigasing Pinoy grandmasters ang sasabak sa “CHIEF PNP CUP” Rapid Chess Tournament sa May 13 na gaganapin sa Multi Purpose Center (MPC), Camp Crame, Quezon City.

Naghayag ng pagsali sa Open section na may P10,000 premyo at trophy sa magkakampeon sina many-time national champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. at GM Darwin Laylo.

Kasali rin ang pambato ng PNP na si former Lyceum standout NM/SPO1 Ali Branzuela sa event na inorganisa ng PNP Chess Players Association.

Ibubulsa ng second placer ang P7,000.00 plus Trophy habang P5,000 ang sa third sa tournament na ipatutupad ang seven-round swiss system.

May matatanggap din na premyo hanggang 10th place at tig P1,000 naman sa top 2100 & below, 2000 & below, Unrated, Top Female, Top PNP Master at Top PNP Non Master.

Para sa magpapatala, i-text sina Jomar Pascua (0939-9015625), Renato “Buboy” Abalos (0915-0511451), Ali Branzuela (0998-9962014) at Roy Madayag (0908-5635536).

Bukod sa open, may Kiddies section din at P3,000 ang premyo.

Samantala, magkakaroon muna ng simultaneous exhibition games si Antonio sa alas-8 ng umaga bago magsimula ang sulungan ng mga woodpushers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?