145

Oct 5, 2021 @ 19:32
By

Bigating mga artista sa ‘Darna’ series pinakilala na

Pinakilala na ang cast sa muling paglipad ni “Darna” sa telebisyon.

Ang batang gumanap na Santino sa “May Bukas Pa” na si Zaijian Jaranilla ang siyang napiling maging popular na sidekick ni Darna na si Ricardo Custodio o Ding.

Si Joshua Garcia naman ang magiging bidang lalaki sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” kasama ang bidang babae na si Jane de Leon.

Isa siyang pulis na si Brian Samonte Robles.

Gaganap naman bilang si Leonor Custodio si Iza Calzado. Isa siyang pangunahing warrior mula sa planetang Marte at nanay nina Ding at Narda.

Kabilang sa iba pang cast sina Kiko Estrada, Rio Locsin, Richard Quan, Gerard Acao, Tart Carlos, Marvin Yap, Zeppie Borromeo, Yogo Singh, LA Santos, Young JV, Mark Manicad, Joj Agpangan, Levi Ignacio at Simon Ibarra.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?