48

Feb 5, 2020 @ 14:33
By

Bigating balasahan! Capela tinapon sa Atlanta sa 4-team trade

Tapos na ang usapin kung saan mapupunta si Clint Capela matapos magkasundo na ang apat na koponan sa malawakang trade.

Sa report ni ESPN NBA insider Adrian Wojnarowski, makukuha ng Houston Rockets si Robert Covington, habang bibitawan naman sina Clint Capela at Nene na mapupunta sa Atlanta Hawks.

Matatanggap naman ng Minnesota Timberwolves sina Malik Beasley, Juancho Hernangomez, Evan Turner at 1st round pick mula Atlanta via Nets.

Sasanib naman si Gerald Green sa Denver, kasama ang 1st round pick ng Houston.

Ngunit hindi pa rito natapos ang palitan ng tao, sina Keita Bates-Diop, Shabazz Napier at Noah Vonleh ay tutungo sa Denver, habang si Jordan Bell at isang 2nd round pick ay biyahe pa-Rockets. Si Jared Vanderbilt naman ay sasapi sa Timberwolves.

Si Capela ang pinakamalaking isda sa nasabing trade, na nag-aaverage ng 13.9 points, 13.8 rebounds at 1.2 assists kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?