12
bigas
By

Bigas na inangkat sa Vietnam, Thailand naantala ng bagyo

Sharing is caring!

Nabalam ang paglabas ng bigas na inangkat ng National Food Authority (NFA) mula sa Vietnam at Thailand dahil sa bagyong Domeng.

Una na iyong ipinangako ng NFA na pababahain sa mga palengke ngayong Hunyo para mahatak na pababa ang presyo ng bigas.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni NFA spokesperson Rex Estoperez, na hindi ito madiskarga sa pantalan sa Subic, Olongapo City dahil masungit ang panahon.

Tatangkain naman umano ngayong hapon na mailabas ang bigas kapag tumigil na ang pag-ulan.

“Kapag lumiwanag na ang ating kalangitan, go na tayo. Kasi naka-standby lang ang mga sasakyan para mag-disperse sa ating mga bodega at mga pamilihang bayan,” sabi ni Estoperez.

Ibebenta umano ang bigas sa P27 at P37 bawat kilo kahit na inangkat pa ito.

“Instruction ng ating Pangulo kay Administrator Jason Aquino, walang pagbabago ang presyo ng bigas kahit medyo mataas ang bili (sa Vietnam at Thailand). ‘Yan naman ay subsidized,” dagdag nito.

Tiniyak din nito na tututukan ng monitoring teams ng NFA ang distribusyon ng bigas mula sa mga bodega tungo sa mga pamilihang bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?