37
views

By

Big-time tulak na pulis, todas sa Bohol drug bust

Sharing is caring!

Isang nakatataas na pulis ang tumimbuwang sa ikinasang anti-drugs operation ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Regional Intelligence Division (RID) sa Tagbilaran City, Bohol nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa report ng NBI, isang high level drug pusher at protektor si SPO1 Adonis Dumpit na nasawi matapos makipagbarilan sa mga awtoridad.

Nagkasa ng drug bust laban kay Dumpit dakong alas-8:20 ng umaga sa Purok 1, Dagohoy Road sa San Isidro District ngunit nanlaban umano ang una kaya nagkaroon ng engkuwentro.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng shootout si Dumpit.

Nasa 15 pakete umano ng shabu ang narekober mula sa napatay na pulis.

Si Dumpit ay dating close-in aide ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?