26

Feb 11, 2018 @ 16:11

Big-time rollback sa presyo ng produktong petrolyo, ipatutupad ngayong linggo

Magpapatupad ng big-time rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong linggo ang mga kompaniya ng langis.

Ito’y matapos umano ang anim na sunud-sunod na oil price hike, ayon sa Department of Energy.

Nasa piso hanggang P1.35 ang itatapyas sa kada litro ng diesel habang piso hanggang P1.10 naman ang imumura ng gasolina.

May bawas naman na 80 sentimo hanggang 90 sentimo sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ang oil price adjustment ay nakadepende umano sa galaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?